Monday, October 08, 2007

Wanted: Matinong Post

Sinuklian ako kanina ni manong traysikel drayber, may kasama na isang Php20 bill. Pagtingin ko sa bill, may nakasulat doon, itim na tinta ng ballpen:

Wanted: Mister Right


Ano bang krimen ang ginawa ng Mr. Right na yan at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya? Kelan ba mahuhuli ang salarin na iyan? Natanggap ko na ba ang gantimpala sa paghahanap kay Mr. Right (at iyon ay Php20)?

Ang olats din nga naman nung nagsulat dun sa pera, walang nilagay na contact information. Paano kung nahanap ko ang Mr. Right na yun? Saan ko siya dadalhin?

No comments: